-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patay ang isang lalaki matapos itong mabaril ng nagrerespondeng mga pulis sa Barangay 1, Taft, Eastern Samar

Kinilala ang suspek na si Resty Simballa, 27-anyos na residente ng naturang lugar.

Ayon kay PLt. Ruben Pascual Caspe ng Taft Municial Police Station, una munang nai-report na nag-aamok ang lalaki dahil sa sobrang kalasingan kung saan may dala pa raw itong itak at baril.

Ayon pa kay Caspe, nagtangka pang barilin ng suspek ang pulisya kaya nabaril.

Dinala pa sa ospital si Simballa pero idineklarang dead on arrival dahil sa natamo nitong tama ng bala sa kaniyang dibdib.