-- Advertisements --
ILOILO CITY – Hindi na nakaabot pa ng buhay sa ospital ang bagong graduate na biktima matapos malunod sa dagat sa Brgy. Banban, Batad Iloilo.
Ang biktima ay si Leonell Cobrador,23, residente ng Cabagohan, Batad, Iloilo at bagong graduate sa Alternative Learning System (ALS).
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Patrolman Victorino Bundac, imbestigador ng Batad Municipal Police Station, sinabi nito na nagkayayaan ang biktima at ang kanyang mga kaibigan na mag-inuman sa tabi ng dagat.
Nilangoy ng mga ito ang kabilang isla ngunit sa hindi inaasahan, nalunod ang biktima.
Sumigaw pa ang biktima at nanghingi ng tulong ngunit hindi na naisalba pa dahil 20 minuto pa bago dumating ang mga kasamahan nito.