-- Advertisements --
Hawak na ng kapulisan sa Taal, Batangas ang lalaki na ipinasok ang motorsiklo sa loob ng simbahan.
Ang suspek ay inireklamo ng pamunan ng Taal Basilica matapos ang ginawang pambabastos ng nito.
Matapos kasi ipinasok nito ang motorsiklo ay umupo pa sa altar ang suspek at gumawa ng ingay.
Kasamang iniimbestigahan na rin ng mga otoridad ang kasama nitong babae na kaniyang angkas kung saan ito ay umalis rin pagpasok ng motorsiklo.
Inaalamng mga otoridad ang maaring motibo ng suspek sa ginawa nito.