-- Advertisements --

Inaresto ng mga kapulisan sa France ang isang lalaki na may balak na pag-atake sa Olympic torch relay sa Bordeaux.

Ayon kay French Interior Minister Gérald Darmanin, na mabilis na natunugan ng mga kapulisan ang nasabing balak ng suspek kaya agad nila itong naaresto.

Sa pag-iimbestiga ng prosecutors na may mga isinulat na mensahe ang suspek na tila pinupuri ang mga nagaganap krimen.

Magugunitang dumating ang Olympic flame sa Marseille nitong buwan bago ang Paris Olympics na magsisimula sa Hulyo 26.

Bagamat walang criminal record ang suspek ay nakakuha sila ng rubber pellet na baril at ilang mga mobile phones at computer.