-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa kaso ng lalaki na biktima ng summary execution sa Banuyao, La Paz, Iloilo City.

Ang biktima ay si Mark Henry Alpasan ng Brgy. Concepcion, Iloilo City Proper, may asawa, may tatlong anak at isang tricycle driver.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Nerissa Alpasan, kapatid ng biktima, sinabi nito na Nobyembre 24 ng nawala ang biktima at ngayong umaga lang natagpuan na nasa advance state of decomposition.

Wala namang maiturong kaaway ang biktima dahil mabait naman anya ito.

Sumisigaw naman ngayon ng hustisya ang pamilya ng biktima.