-- Advertisements --
ILOILO CITY – Patay sa saksak ang isang lalaking namanhikan sa Igbaras, Iloilo.
Ang biktima ay si Raymart Eusuya, 21, residente ng Brgy. Catiringan, Igbaras.
Habang ang suspek ang suspek naman ay si Rolly Gorero, 38, residente ng Brgy. Lapaz, Hamtic, Antique.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PCMSgt. Jose Remus Cabag, chief investigator ng Igbaras Municipal Police Station, sinabi nito na namamanhikan ang biktima sa bahay ng kanyang kasintahan.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, pumunta rin doon ang suspek at sinaksak ang biktima sa dibdib na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Sa ngayon, nakakulong na ang biktima at nahaharap sa kasong murder.