-- Advertisements --
Kinasuhan na ang lalaki na nambato ng cellphone sa concert ng pop star na si Bebe Rexha.
Naganap ang insidente habang kumakanta ang singer sa New York at nabato ito sa ulo ng cellphone na itinapon ng fan.
Dahil sa pangyayari ay napaluhod ang singer at ito ay inilabas sa concert venue.
Naaresto naman ng mga kapulisan sa New York ang 27-anyos na lalaki at siya ay kinasuhan na ng assault.