-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Nadagdagan ang bilang ng mga nasawi sa lalawigan ng Benguet sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Kasunod ito ng pagkasawi ni Malner Palonan Damilo, 30-anyos, residente ng Sebang, Buguias, Benguet.
Batay sa report ng Bugias Municipal Police Station, ina-ayos ng biktima ang kanyang sasakyan nang nadaganan ito ng gumuhong lupa mula sa itaas ng pinagparadahan niya ng sasakyan.
Agad namang na-rescue ang biktima at itinakbo pa sa pagamutan ngunit naideklara itong dead on arrival.
Unang naitala sa bayan ng Atok ang kauna-unahang biktima ng Bagyong Ulysses sa Benguet.
Nakilala itong si Felix ‘Tinoy’ Boguite, 60-anyos, residente ng Talete, Busoc, Poblacion, Atok na nasawi matapos madaganan ng kumpol ng kawayan ang bahay nito.