-- Advertisements --
Inaresto ng mga kapulisan sa Russia ang isang 29-anyos na lalaki mula sa Uzbekistan na nasa likod ng pamamaslang kay senior general Igor Kirillov at assistant nito sa Moscow.
Hindi na inilabas pa ng Russia’s Investigative Committee (SK) ang pagkakakilanlan ng suspek kung saan ito umano ay binayaran ng Ukrainian special services.
Una ng inamin ng security service ng Ukraine na SBU na sila ang nasa likod ng nasabing operasyon.
Magugunitang napatay si Kirillov matapos na lagyan ng bomba ang kaniyang motorsiklong nakaparada sa harap ng tirahan nito sa Moscow.
Ang nasawing Russian general ay siyang namumuno ng Radiation, Chemical and Biological Protection Forces.