-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay sa pamamaril ang isang lalaki sa Kidapawan City.

Nakilala ang biktima na si Arthur Kolig Jr, na residente ng Purok 4B Manga, Barangay Lower Manongol, Kidapawan City.

Ayon kay Kidapawan City chief police Lt. Col. Rammel Hojilla, papasok ng kanyang tahanan ang biktima ng biglang dumating ang mga hindi kilalang suspek at ito ay pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Naisugod pa ng mga kamag-anak ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan.

Sinabi ni Hojilla na nasa watchlist daw si Kolig dahil sa pagkakasangkot umano nito sa iligal na druga bilang user at pusher.

Isa pa sa mga tinitingnang anggulo ngayon ng Kidapawan City PNP sa kanilang imbestigasyon ay ang love triangle matapos itong sampahan ng reklamo ng kanyang kinakasama noon.