LEGAZPI CITY – Hawak na ngayon ng mga otoridad ang wanted person sa District II, Gigmoto, Catanduanes sa kasong pananamantala sa isang dalagita.
Naaresto si Anthony Robles, 35-anyos matapos silbihan ng arrest warrant ng mga otoridad.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PLt. Heraclio Vargas, hepe ng Gigmoto Municipal Police Station, 12-anyos na menor de edad ang biktima nito sa naturang krimen.
Nahaharap ang akusado sa 2-counts ng Rape na walang inirerekomendang piyansa at isa pang kaso ng Lascivious Conduct in relation to Section 5(b) kan Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na may piyansang nasa P200, 000.
Samantala, malaki naman ang pasasalamat ng pamilya ng biktima dahil halos abot kamay na ang hustisya.