-- Advertisements --

JAMINDAN, CAPIZ – Nasa punerarya ang bangkay ng 56-anyos na magsasaka matapos nahulog sa puno ng star apple sa Barangay Agcagay, Jamindan, Capiz.

Tumama ang dibdib sa bato at nabali ang buto ng biktima na si Antonio Ocate matapos nahulog sa star apple.

Ayon kay Police Staff Sergeant Lou Jacinto Robles, imbestigador ng Jamindan Municipal Police Station, lumalabas sa imbestigasyon na umakyat sa puno ng star apple ang biktima para mamitas ng bunga na kanyang ibebenta.

Ngunit dahil maliit ang sanga na kanyang natapakan, naputol ito dahilan para siya ay mahulog.

Kaagad na dinala sa rural health unit ang biktima, ngunit idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Napag-alaman na bago ang insedente ay uminom pa ang biktima na pinaniniwalaan na may hang over pa ng umakyat sa puno ng star apple.