-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakakaranas umano ng depresyon ang 26 anyos na lalaki na nanaksak ng dalawang indibidwal sa loob ng Gaisano Mall sa Tagum City.

Una ng nakilala ang suspek si Jayson Torreda, residente sa Purok 8, Barangay Poblacion Mawab Davao de Oro, gusto umano ng kanyang anak na pumayat ngunit nabigo ito dahilan na sinamahan niya itong pumunta sa Mall para mamasyal at hindi malungkot.

Kung maalala, pumunta si Jayson sa kitchen ware area sa 3rd floor ng mall at kihuna ang naka-display na kutsilyo.

Sinaksak nito ang isang Promodiser at security guard dahilan na agad rumesponde sa lugar ang kapulisan.

Nakilala naman ang mga biktima na sina Sherwin Bustamante, 23-anyos, promodiser na nagtamo ng sugat sa kanyang ulo at nasa kritikal ang kondisyon habang nasa ligtas naman ang kalagayan ng security guard na si Ronald Costan, 45-anyos.

Una ng pinakiusapan ng otoridad ang suspek na sumuko ngunit nanlaban ito dahila na binaril ito ng mga pulis.

Isinugod pa ito sa ospital ngunit ideklarang dead on arrival ng mga doktor.