-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Wala ng balak pang ipa-otopsiya ng kanyang mga ka-anak ang bangkay ng isang lalaking nagbigti-patay sa Talacogon, Agusan del Sur, apat na araw bago ang kanyang kasal.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, kinilala ni Talacogon OIC Chief of Police Lt. Val Warren Polanco ang biktimang si Andy Mondejar, 32-anyos, binata at residente ng Brgy. Del Monte ng nasabing bayan.

Ayon kay PLt. Polanco, bumili pa ang biktimang lubid na pantali uimano sa kalabaw at umakyat na ng bundok at dakong alas tres na ng hapon nang matagpuan ni Dennis Salinas na nakabitin na sa puno ng Lanzones na wala ng buhay.

Lumabas sa kanilang inisyal na imbestigasyon na umatras na umano sa pagpakasal sa kanya a ng kanyang bride-to-be nang malamang ginahasa umano nito ang kanyang sariling pamangkin.

Masyado umanong na-depress ito lalo na’t dumating na ang mga bisita para sa kanilang kasal matapos magdesisyon ang syota nitong hindi na itutuloy pa ang kanilang kasal.