-- Advertisements --

ROXAS CITY – Naniniwala ang pulisya na depresyon ang isa sa mga dahilan ng pagpatay ng isang lalaki sa sarili at anak nito sa Roxas City, Capiz.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Master Sgt. Ramil Arcangeles, tagapagsalita ng Roxas-Philippine National Police, na may hindi pagkakaunawaan ang nagpatiwakal na si Jaypee Capapas at asawa nitong nagtatrabaho sa ibang bansa bago nangyari ang krimen.

Batay sa inisyal na pagsusuri, wala ng malay nang matagpuan ng kanyang tiyahin si Capapas pati ang tatlong taong gulang na anak nito.

Nabatid na may kalaguyo umano ang asawa ng lalaki, na posibleng dahilan ng pagpapakamatay nito.