-- Advertisements --
KALIBO, Aklan—Patay na nang matagpuan sa isang puno ng kahoy ang isang lalaki matapos umano itong magpatiwakal sa isang barangay sa bayan ng Numancia, Aklan.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Numancia PNP, dakong alas-8:00 kahapon ng umaga huling nakita ng kaniyang tiyahin ang biktima subalit makalipas umano ang mahigit isang oras ay natagpuan na lamang niya itong nakabitay sa puno ng mabolo.
Agad umanong kinuha ng kanyang ama ang biktima mula sa pagkakabitay at minadaling isinugod sa Aklan Provincial Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor na sumuri.
Isinailalim na sa post mortem examination ang bangkay ng biktima habang patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng dahilan ng kaniyang pagpapatiwakal.