DAVAO CITY – Patay ang isang lalaki matapos na magbigti gamit ang lubid na kanyang itinali sa leeg.
Kinilala ang biktima na si Josiah Vincent Navarro 30 anyos na nakatira sa Matiang St.Brgy. Zone 3, Sta.Cruz, Davao del Sur.
Nagulat na lamang ang testigong si Diane Beatrize Dela Cruz, 17 anyos, na bandang alas 2:00 ng madaling araw ng makita na nakabitin at wala ng malay si Navarro sa loob ng kanilang kusina.
Base sa isinagawang imbestigasyon, narekober ng mga otoridad ang cellphone ng biktima at napag-alaman mula sa inbox ng cellphone na hiniwalayan umano ito ng kanyang kasintahan.
Dahil sa di matanggap ng lalaki ang desisyun ng kasintahan nagdesisyun itong magpakamatay.
Ngayon ay pinaglalamayan na ang labi ng biktima sa Esperanza Funeral Home ng Brgy. Zone 3, Sta.Cruz, Davao del Sur.