-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Isang lalaki ang naiulat na nagpakamatay sa Barangay Bagacay East, Lapaz Leyte dahil sa iniinda nitong matinding depresyon.

Kinilala ang biktima na si alyas Marvin, 19 na taong gulang at nakatira sa naturang lugar.

Ayon kay PCapt. Shenna Layog, Acting Chief of Police ng Lapaz MPS, na nakita na lamang na nakabitin at wala ng buhay ang biktima sa silid ng kaniyang kwarto.

Sinasabing problema sa kaniyang pamilya ang naging dahilan ng pagpakamatay ng biktima at batay na rin sa iniwan nitong suicide note.