LAOAG CITY – Kinumpirma ni Pol. Lt. Godofredo Ribuyaco, deputy chief of police ng PNP-San Nicolas ang pagpapatiwakal ng isang lalaki sa Barangay San Guillermo, San Nicolas.
Kinilala ni Ribuyaco ang nagpakamatay na si Jaymar Baletbet, 22-anyos at residente ng nasabing barangay.
Base sa imbestigasyon ng PNP-San Nicolas, alas-dos ng hapon kahapon, Nobyembre 29 naglalasing ang biktima na si Baletbet at sinubukan nitong magpakamatay ngunit agad na napigilan ng kanyang live-in partner na si Jenny Arcanio.
Pagtakapos ng nangyari ay nagtungo sa kanilang kapitbahay ang maglive-in partner ngunit hindi nakita ni Arcanio na umalis ang kanyang parter.
Dahil dito, pasado alas 4:30 ng kahapon ng bumalik si Arcanio sa kanilang bahay at nakitang nagbatiwikal na si Baletbet gamit ang isang tali.
Kugnay nito, sinabi ni PLt. Ribuyaco na ang nakikita nilang rason ng pagpapakamatay ng biktima ay ang umanoy pagpipigil sa kanyan ng kanyang live-in na uminom ng alak.
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.