-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nasa isang punerarya na ang bangkay ng isang lalaki matapos nagpatiwakal sa lungsod ng Koronadal.

Kinilala ang biktimang si Jerry Daypuyart Samoraga, lalaki, 30, at residente ng Prk. Kings, Brgy. GPS.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal sa testigong si alyas Len, nagpakamatay umano ang biktima sa loob ng boarding house gamit ang isang cable wire.

Nakita rin ng mga otoridad ang cellphone ni Samoraga kung saan laman nito ang mga mensahe ng sinasabing suicide texts sa kaniyang minamahal kabilang na ang text nitong buhay pa sana siya kapag nag-reply ito.

Wala namang nakitang foul play ang Koronadal PNP sa kanilang isinagawang imbestigasyon.

Kamakailan lamang ay nagpakamatay din ang dalawang estudyante ng isang pribadong paaralan sa lalawigan ng South Cotabato.