-- Advertisements --

DAVAO CITY – Arestado ang isang lalaking may kasong pagpatay matapos ang 10 taon nitong pagtatago.

Nakilala ang suspek na isang Archie Paluring Indog, 37, construction worker, residente sa Barangay Site, bayan ng Matanao, Davao del Sur.

Kinilala ang suspek bilang pangalawa sa most wanted person sa bayan ng Matanao.

Ginamit ng mga alagad ng batas sa paghuli sa suspek ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Carmelita Sarno Daven ng Regional Trial Court (RTC) Branch 18 ng Digos City.

Inilabas ang nasabing arrest warrant Hulyo 22, 2010.

Nasa kustodiya na ng Matanao PNP ang nahuling suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong homicide ang suspek at dapat na maglagak ng pyansang P40 libong peso para sa kanyang temporaryong kalayaan.