-- Advertisements --

Maaaring humarap sa 5 taong pagkakagulong ang isang russian matapos nitong subukan magpuslit ng baby orangutan palabas ng Indonesia.

Inaresto si Andrei Zhestkov sa Bali airport matapos itong mahulihan ng dalawang gecko at apat na chameleon na isinilid sa suitcase kasama ang orangutan.

Sa pahayag na inilabas ni Indonesian police chief Sr. Comr. Ruddi Setiawan, papunta umano ang suspek sa Russia. Sa una ay natakot daw ang mga otoridad na buksan ang nasabing suitcase dahil akala ng mga ito ay magiging agresibo ang orangutan.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon kung saan nakuha ng suspek ang nasabing hayop.

Sa kasalukuyan, itinuturing nang endangered species ang Orangutan at karamihan sa mga ito ay makikita na lamang sa isla ng Sumatra at Borneo dahil sa patuloy na iligal na pagpuputol ng puno sa Indonesia.