-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ni Bombo International correspondent Rally Vargas na may nahuling mga indibidwal na nagdadala ng armas ilang araw bago ang inagurasyon si incoming US President Joe Biden.

Ayon pa kay Bombo International correspondent Rally Vargas, na nakabase sa California dahil sa mahigpit na seguridad, isang lalaki umano na may dalang riffle at naka-bonnet ang nahuli ng otoridad.

Dahil dito, doble na umano ang dineploy na mga otoridad sa palibot ng US Capitol at temporaryong pinatigil ang operasyon ng train station pati na ang mga establishment sa lugar.

Aasahan rin umano na limitado lamang ang bilang ng mga papapasukin sa US Capitol ito ay para hindi na maulit ang ginagawang panunulong ng mga supporters ni outgoing US President Donald Trump.