-- Advertisements --

Sinampahan na ng kaukulang kaso ang isang lalaki na may dalang mga armas sa labas ng bahay ni US Vice President Kamala Harris sa Washington.

Ayon sa tagapasalita ng Washington agad nilang nirespondehan ang isang tawag sa kanilang opisina.

Kinilala ang naaresto na si Paul Murray, 31, ng San Antonio, Texas.

Nakuha sa sasakyan nito ang iang AR-15 semi-automatic rifle na mayroong 113 rounds na bala at limang 30 round magazines.

Unang hinuli ng US Secret Service ang lalaki bago nila ipasakamay sa mga kapulisan.