-- Advertisements --
Naikot ng isang lalaki ang lahat ng mga munisipalidad at lungsod sa Pilipinas.
Ayon kay Marco Puzon na nagsimula nitong ikutin ang 1,634 na municipalidad at lungsod ng matanggal siya sa trabaho noong 2013.
Kada ikot niya ay pumipirma ito sa mga log book bilang patunay sa kaniyang biyahe.
Nagtutungo siya sa mga city hall at municipal hall at nagpapakuha ng larawan bilang ebidensiya.
Naging emosyonal na ito ng mapuntahan niya ang huling lugar at ito ay sa Kalayaan Islands.
Plano nitong sumulat ng libro para ibahagi ang mga karanasan niya sa bawat bayan at lungsod na kaniyang naikot.