-- Advertisements --
The Netherlands
The Netherlands map

Sugatan ang maraming katao dahil sa pag-aamok ng isang lalaki sa loob ng isang shopping street sa The Hague.

Ayon sa mga Dutch police, may edad mula 45 hanggang 50 ang suspek na nakasuot pa ng grey jogging tracksuit.

Sinamantala ng suspek ang dami ng mga tao na nagtungo sa lugar dahil sa tinatawag na Black Friday Sale sa Hudson’s Bay store sa Grote Market.

Inaalam pa ng mga kapulisan ang motibo ng nasabing insidente habang itinakbo sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.