-- Advertisements --
NAGA CITY – Inaalam pa ngayon ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng isang lalaking natagpuang patay sa ilog sa Mangcamagong, Basud, Camarines Norte.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na isang Remalyn Roche ang nakakita sa bangkay ng lalaki sa mabatong bahagi ng ilog.
Tinatayang edad 30 hanggang 35 taong gulang ang biktima, nakasuot ng camouflage na shorts at walang pantaas na damit.
Nagpapatuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang pagkakakilanlan ng nasabing bangkay.