DAGUPAN CITY – Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 31-anyos na lalaki sa kaniyang bahay malapit sa isang dike sa Brgy Casantamarian sa bayan ng San Quintin, Pangasinan.
Nakilala ang biktima na si Christopher Navarro residente sa nasabing lugar.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na pasado alas-syete ng umaga ay nakita pa ang biktima na nagkakape sa kanyang bahay pero napansin ng isang kapitbahay nito na nakialalang si Aljohn Natino na sa pagkakataong iyon ay malalim ang pag-ubo nito at bahagya itong sumuka ng kaunting dugo.
Nang magdesisyon umano si Navarro na tignan muli ang biktima ay nakita na lamang niya itong nakahandusay na sa sahig at wala ng malay.
Sinubukan pa itong dalhin sa malapit na pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.
Samantala, hindi na ipinasailalim ng mga kaanak ng biktima ang bangkay nito sa autopsy dahil kumbinsido silang ang sakit na tubercolusis ang naging dahilan ng pagkamatay nito.