-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Tadtad ng halos 20 na saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang isang lalaki nang matagpuan sa Kamanga, Maasim, Sarangani Province.
Kinilala ang biktima na si Randy Adlawan, 40 taong gulang na residente ng Malungon, Sarangani.
Ayon kay P/Major Herman Luna, Hepe ng Maasim Municipal Police Station, itinapon lang sa lugar ang biktima.
Aniya, robbery holdap ang tinitingnan nilang motibo sa kremin dahil missing ang motorsiklo ng biktima pati ang P10,000 cash nito.
Dagdag nito, ang biktima ay naka-packaging tape ang bibig pati kamay nang itoy matagpuan.
Una rito, inireport ng pamilya sa pulisya na hindi na nakabalik ang biktima isang araw ang lumipas matapos na umalis para bumili ng tela.