CEBU – Libutin ang buong Pilipinas para sa kanyang suporta sa mga matatanda ang layunin ng isang 21 taong gulang na lalaki gamit lang ang kanyang bike na may sidecar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Neil Jay Matunding, galing Bukidnon, sinabi nito na saksi ito kung paano minaltrato ang kanyang Lola sa mismong mga anak nito, biyenan at mga kamag-anak, kaya ito ang nag-udyok sa kanya na libutin ang buong bansa upang makakuha ng atensyon sa mga mambabatas.
Aniya, may nakabinbin na House Bill No. 4696 o ang Anti-Elder Abuse Act na naglalayong maprotektahan ang mga senior citizens sa kapabayaan at pang-aabuso.
Umaasa si Matunding na sa kanyang paglibot sa buong bansa gamit lamang ang kanyang sidecar ay makakuha ito ng atensyon sa mga mambabatas at nang umusad na ang nasabing panukala hanggang sa maging bata na ito.
Inihayag nito na sa mga lugar na kanyang narating ay hindi naman ito nagugutom dahil may mga tao na kusang-loob na nagbibigay sa kanya ng pagkain.
Sa ngayon ay nasa Cebu ito kung saan ang lalawigan ay ang pang labing isang probinsiya na kanyang nalakbay.