-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos ang nangyaring armed confrontation sa Barangay San Miguel, Bato, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Mario Quite Sandrino, 49-anyos, residente sa naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na magsisilbi lamang sana ng warrant of arrest ang mga otoridad ngunit bigla na lamang nagpaputok ng baril ang suspek.

Dahil dito, agad namang gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta para magtamo ng.mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang suspek.

Agad naman itong dinala sa ospital ngunit kinalaunan ay binawian din ng buhay.

Samantala, narekober din sa pinangyarihan ng insidente ang isang caliber.38 Smith and Wesson revolver, dalawang caliber .38 cartridge case, limang 9mm luger cartridge cases, isang .357 magnum Smith and Wesson revolver, limang caliber .38 SPL cartridge at isang unit ng cellphone.

Sa ngayon patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.