-- Advertisements --

Patay ang isang lalaki matapos na atakihin ng pating sa karagatan ng Brisbane, Australia.

Nakita na lamang mga rescuers na ito ay lumulutang at wala ng buhay sa Greenmount Beach sa Gold Coast.

Ayon sa Queensland Ambulance Service, hindi na nakayanan ng biktima ang dami ng mga tinamong sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito.

Kilala ang lugar sa mga turista na mahilig mag-surf kung saan madalang ang shark sightings.

Huling nagkaroon ng pag-atake ng pating ay mahigit 10 taon na ang nakakaraan.