-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patay ang 43-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng bayaw sa Barangay San Juan, Jamindan, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Roberto Sonio ng Barangay Pasal-o, Jamindan, Capiz.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Jamindan PNP na pumunta ang biktima sa bahay ng suspek na si Danilo Mauricio sa Barangay San Juan, Jamindan, kung saan nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa.

Biglang kinuha ng suspek ang homemade shotgun sabay baril sa biktima na nagtamo ng sugat sa mukha.

Kaagad dinala sa ospital si Sonio, ngunit dineklarang dead on arrival ng doktor.

Samantala mabilis na tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Pinaniniwalaang matagal na alitan ang motibo sa pagbaril ni Mauricio sa biktima.