-- Advertisements --
LAOAG CITY – Patay ang isang lalaki matapos bumangga ang kanyang motorsiklo sa puno sa Brgy. Susugaen sa bayan ng Pasuquin.
Ayon kay Police Senior Master Sgt. Joey Aninag, chief investigator ng PNP Pasuquin, ang biktima ay 33-anyos at residente sa Brgy. 28 Cabusligan sa bayan ng Bacarra at nagtatrabaho bilang delivery boy.
Sinabi nito na matapos bumangga sa puno ng mangga ang biktima ay nasagi rin nito ang menor de edad na na nakabisikleta.
Dahil dito, nagtamo ng sugat sa ulo ang biktima at agad namang itinakbo sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival, habang ang menor de edad ay sugatan.
Lumalabas na mabalis ang pagpapatakbo ng biktima sa kanyang motorsiklo nang mangyari ang insidente.