-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patay ang isang lalaki matapos sumemplang ang  minamaneho nitong motorsiklo sa boundary ng Barangay Bato at Banica, Roxas City.

Kinilala ang biktima na si Jimmy Manucan, 46-anyos, tubong Barangay Yatingan, Pontevedra ngunit nakatira sa Barangay Poblacion Ilaya, sa bayan ng Panay.

Base sa inisyal na impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo, natagpuan na lamang ng miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) na nakahandusay sa daan ang biktima at hindi na gumagalaw.

Kaagad itong tumawag ng responde sa Roxas City Emergency Response Team (RCERT).

Sinubukan pa ng mga nag-responde na dalhin sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead-on-arrival.