ROXAS CITY – Patay ang isang lalaki matapos maaksidente ang minamanehong motorsiklo sa Sitio Ayuyan, Barangay Sto. Angel, Dumalag, Capiz.
Kinilala ang biktima na si alyas Dan, 23-anyos at residente ng nasabing lugar.
Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Roxas sa Dumalag Municipal Police Station, habang binabaybay ng biktima ang kalsada sakay sa kanyang motorsiklo mula sa Barangay Sto. NiƱo at papunta sana sa Barangay Poblacion sa nasabing bayan, pagdating sa pinangyarihan ng insidente, aksidente itong bumangga sa nakatambak na buhangin at bato sa kalsada na naging dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa pagmaneho.
Dahil sa malakas na impact sa pagkabangga, nagtamo ito ng sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.
Agad namang nirespondehan ng Dumalag Response Team at dinala sa Dao District Hospital ang biktima ngunit ideneklarang dead on arrival ng doktor.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng Dumalag PNP ang motorsiklo at patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan kaugnay sa nasabing insidente.