-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos mabagsakan ng malaking piraso ng kongkretong pader sa Barangay Cabasag, Del Gallego, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Buen Francisco, 53-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang nag-aayos ng bakod ang biktima sa lote na pagmamay-ari ng kapatid nitong kinilalang si Eva Francisco nang mabagsakan ito ng malaking piraso ng isang konkretong pader.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dahil sa nasabing insidente nagtamo ng malalang sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima

Agad naman na dinala sa ospital ang biktima ngunit ideniklarang dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.