-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos mabundol ng isang kotse ang isang motorsiklo sa Brgy. Bagong Silang, Tagkawayan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Roberto Flores, 48-anyos, residente ng Brgy. Sto Niño, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag alaman na habang binabaybay ni Flores ang kahabaan ng Quirino Highway gamit ang isang sidecar o top down nang mabundol ito ng isang kotse na minamaneho naman ng suspek na si kinilalang si Chris Lee Zamora, 31-anyos, residente ng Canlubang, Calamba, Laguna.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na habang paliko ang biktima sa may kaliwang bahagi ng kalsada, dito na ito nabundol ng nasabing behikulo.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng kaniyang katawan si Flores na agad namang dinala sa ospital ngunit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.