-- Advertisements --

Lalaking nagbigti parating sinasambit ang pangalan ng dating nobya sa tuwing malalasing

ROXAS CITY – Patay ang 25 anyos na lalaki matapos nagbigti sa loob ng pinapagawang bahay sa Barangay Casanayan, Pilar, Capiz.

Natagpuan na lamang na nakabigti ang biktima ng kanyang live-in partner na kaagad humingi ng tulong sa kanilang mga kamang-anak para maibaba ang si alyas Noy.

Bago ang insedente ay nag-inuman pa ang biktima at ama nito.

Hinanap pa ng live-in partner si alyas Noy para sabay silang maghapunan, ngunit nagtaka ito ng hindi sumasagot sa kanya ang biktima.

Ikinagulat na lamang nito ng makita ang nakabitay na live-in partner sa ipinagawang bahay.

Ayon kay alyas Inday, live-in partner ng biktima na sa tuwing malalasing si Alyas Noy ay hindi maiwasan na ma-mention niya ang pangalan ng dating nobya.