NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang lalaki matapos na magbigti dahil sa nararanasang depresyon sa Lupi, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Michael Quimno, 43-anyos, residente ng Barangay Sooc sa naturang bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMSgt. Jessie Baybay, imbestigador ng Lupi-PNP, napag-alaman na nakita na lamang ang biktima ng kaniyang live-in partner na nakabigti sa kanilang bahay gamit ang nylon na lubid.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na isa sa dahilan ng kaniyang pagpapakamatay ay ang pagkamatay ng kaniyang ina.
Dagdag pa nito, sinubukan pa naman sanang dalhin sa ospital ang biiktima ngunit hindi na ito nakaabot pa.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.