-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang isang lalaki matapos magbigti sa Purok 2, Brgy. Bagasbas, Daet, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Narciso Velasco, 41-anyos, residente sa naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, nanatid na ang mismong anak ng biktima ang nakakita sa katawan ng biktima na wala nang buhay sa likod ng kanilang bahay.

Una dito, napag-alaman na nakakaramdam ng labis na pagsakit ng tiyan ang naturang biktima kung kaya pinaniniwalaan ng mga otoridad na ito ang naging dahilan ng pabigti ni Velasco.

Samantala, agad naman sanang dinala ang biktima sa ospital ngunit idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad lalo na ang pagtuloy sa tunay na dahilan ng pagpapakamatay nito.