-- Advertisements --

LEGAZPI CITY — Patay ang isang lalaki matapos na aksidenteng mahulog habang paakyat sa puno ng niyog sa Barangay Poblacion sa isla ng Rapu-Rapu, Albay.

Kinilala ang biktima na si Celzo Marcelo Baloloy, 40-anyos, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa imbestigador ng kaso na si Pol. Staff Seargent Rowel Montas ng Rapu-Rapu Municipal Police, sinabi nitong plano talaga ng biktima na kumuha ng niyog na ibibigay sana sa kanyang kapatid.

Ngunit nang hanapin ito ng kanyang kapatid, nakita na lamang nito ang biktima na nakahandusay sa ilalim ng niyog at wala ng buhay.

Ayon kay Montas, walang nakikitang foul play sa insidente habang pinaniniwalaang inatake ng altapresyon ang biktima habang nasa taas ng niyog na dahilan ng pagkahulog.