-- Advertisements --
Inaresto ng mga pulis ang isang lalaki matapos na mapatay nito ang knayang kapwa pasahero sa isang bus sa Quezon City.
Ayon sa Quezon City Police District, nagkaalitan ang suspek na si alyas “Nestor” at ang biktimang si alyas “Jojo” habang nakasakay ang mga ito sa bus.
Hindi raw tinigilan ng suspek si alyas Jojo kahit nakababa na ang biktima ng bus kung saan sinaktan itong muli at binalibag.
Bunsod nito, inatake sa puso ang biktima at nawalan ng malay.
Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit binawian na ito ng buhay.
Mahaharap sa kasong homicide ang suspek.