-- Advertisements --
ROXAS CITY – Patay ang 21 anyos na lalaki matapos nakuryente inaayos ang linya ng kuryente sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Nagba, Ciartero, Capiz.
Kinilala ang biktima na si Elbert Esperiano ng nasabing lugar.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Cuartero Municipal Police Station na inaayos ng biktima ang kuryente ng bigla itong mangisay.
Nalaman lamang ang nangyari sa biktima ng puntahan ito ng kanilang kapitbahay.
Kaagad na dinala sa ospital si Esperiano ngunit dineklarang dead on arrival nga doktor.