-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos makuryente sa Pili, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Mamerto Ilarde Jr., residente ng Zone 7, Brgy. San Jose sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt. Fatima Lanuza, tagapagsalita ng Pili Municipal Police Station, sinabi nito habang nagtatrabaho ang biktima sa Bicol Food Processing Corp., kung saan nag-aayos ito ng pader gamit ang isang power drill, dito na ito nakuryente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na mayroon umanong open wire ang naturang power drill.

Dahil dito, agad naman na dinala sa Bicol Medical Center sa Naga City si Ilarde ngunit idineklara naman itong Dead on Arrival ng mga doktor.

Samantala, nanawagan naman si Lanuza sa mga electric companies na tiyakin ang seguridad ng mga empleyado upang maiwasan ang kaparehas na insidente.