-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Pinaglalamayan na isang binata matapos itong malunod sa irrigation canal sa Imelda, Sta. Marcela, Apayao.

Nakilala itong si Arnold Rarugal Salitamos, 40-anyos na residente ng Poblacion West, Flora, Apayao.

Batay sa report, nakita na lamang ng isang residente ang lumulutang na katawan ng tao sa nasabing kanal.

Agad na nagreport sa pulisya ang residente na nagresulta sa pagkakarekober sa katawan ng biktima.

Naisugod sa pagamutan ang biktima ngunit na naideklara itong dead on arrival.

Napag-alaman na mayroong mental illness ang biktima.