Patay sa isinagawang buybust operation ng Provincial Intelligence Branch ng Cebu Provincial Police Office(CPPO) ang isang tagapagtinda ng iligal na druga matapos manlaban sa mga otoridad kaninang pasado ala 1:13 ng madaling araw sa Sitio Bliss, Brgy. Lawaan III, Talisay City, Cebu.
Kinilala ang napatay na si JC Dacuma Caballero at residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa hepe ng PIB na si Police Lieutenant Colonel Marlu Conag, umang bumunot sa kanyang armas at nagpapaputok si Caballero matapos mapansin na nakipagtransact siya sa police.
Bigo ang 27 anyos na matamaan kahit isa sa mga otoridad kaya gumanti naman ang mga ito ng pagpapaputok bilang self defense at natamaan ang suspetsado.
Agad tumawag ng medical rescue team ang mga pulis para madala ito sa ospital ngunit binawian na ng buhay bago pa man makarating sa ospital.
Dagdag pa ni Conag, isang high value individual si Caballero na minomonitor nila ng halos isang linggo na at nabanggit pa ng mga naunang inaresto na mga drug suspect.
Na-recover mula kay Caballero ang cal. 22 revolver na naglalaman ng dalawang bala, isa pang revolver (derringer) at mga empty shell.
Nakuha din sa kanyang posisyon ang 4 na gramo ng pinaghihinalaang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng aabot sa P27,472.