-- Advertisements --

Dead on arrival sa ospital ang isang lalaki matapos manlaban sa mga pulis sa San Pablo, Laguna.

Nakilala ang napatay na suspek na si Jeffrey Cado, 34-anyos na kilalang tulak ng iligal na droga.

Ayon kay Laguna Police Provincial Director, SSupt. Eleazar Matta na nagsagawa sila ng buy-bust operation kung saan nakabili ang kanilang tauhan na nagpanggap na poseur buyer sa suspek sa Barangay San Pedro.

Pero nakahalata umano ang suspek na pulis ang kaiyang ka transaksiyon bigla na lamang itong pinaputukan ang mga operatiba na naging dahilan na resbakan siya ng mga pulis.

Sinabi ni Matta, matagal na nilang mino monitor ang suspek na kilalang drug pusher sa lugar.