-- Advertisements --
DAVAO CITY – Patay ang isang lalaki na may kasong attempted robbery at frustrated homicide matapos na mang-agaw ito ng armas sa isang pulis na nag-ecort sa kanya para sa finger printing at booking procedure sa loob ng Toril Police Station.
Nakilala ang suspek na si Jemar Rezor Banilad, residente sa nasabing lugar.
Base sa report ng Toril PNP, habang ginagawa ang booking procedure, bigla na lamang inagaw ng suspek ang service firearm ng isang Corporal na nag-assist sa kanya dahilan na may nangyaring komosyon.
Agad na naka-responde sa lugar ang mga kasamahan nitong pulis at binaril ang suspek.
Narekober sa crime scene ang mga basiyo ng bala ng 9mm pistol.