TACLOBAN CITY — Patay ang isang lalaki matapos na bugbugin ng kaniyang sariling bayaw sa Barangay Esperanza, Inopacan Leyte.
Nakilala ang biktima na si Apolinario Pison, 52 taong gulang.
Samantala, nakilala naman ang suspek na si Mario Espiritu, 53 taong gulang, residente ng naturang lugar.
Ayon kay P/Senior Master Sgt. Leonido Galinzoga, ng Inopacan MPS, na nagkapikonan ang magbayaw matapos na awatin ng biktima ang suspek na tigilan na ang panunukso na bakla sa kanilang mga pamangkin.
Ikinainis naman ng suspek ang pag awat sa kaniya na nagresulta ng kaniyang pag aaway.
Nagtamo ng grabeng sugat sa ulo ang biktima na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan ang naturang suspek at nahaharap na sa kasong homicide.